Pang Movies
May 21, 2005

Masa...Rap
by: Ernie Pecho

Naging tourist destination and Club Mwah

Buti na lang at nakumbida ako sa birthday party ng Inquirer entertainment editor na si Emmie Velarde. Sa wakas, nakita ko na rin ang Club Mwah at ang kanilang fabulous shows last Wednesday.

Nang ipakilala ako sa Club Mwah's executive vice president na si Pocholo Mallilin, tila matagal na kaming magkaibigan. Niyaya niya agad ako upang makita ang paligid ng world-class entertainment center, the hippest place today in Metro Manila, if not in the entire Philippines.

Simply tasteful ang pagpili at pagkalagay ng bawat furniture and decor sa kabuuan ng Club Mwah. Very comfortable ang kanilang mga chairs and sofa at maski na ang mga bar stools na black and white ang motiff. Meron silang mga function cum music rooms na maaring mag-celebrate ng mga pribadong okasyon tulad nga ng birthday ni Emmie Velarde that night.

Walong buwan pa lamang sa eksena ang Club Mwah, pero nakarating na sa iba't ibang bansa ang katanyagang ito. Sa katunayan, ang Club Mwah ngayon ay isa sa mga most viewed entertainment hit party place na website. Ang Yahoo Asia, Yahoo Deutschland, Yahoo Japan, MSN, MyFreeze.com, AOL.com, at Camenica Online ang ilan sa mga search engine na nakatulong sa kabonggahan sa buong mundo ng Club Mwah.

"We get e-mails from Germany, Italy, Switzerland, Japan and other parts of the globe," kwento ni EVP Pocholo Mallilin. "Lahat sila, nagsasabing kapag nagpunta sila sa Pilipinas, hindi sila aalis dito hanggang hindi nanonood sa Club Mwah."

Higit ang kasiyahan ni Pocholo dahil nakalikha sila sa Club Mwah ng isang veritable tourist attraction. Sa ngayon ay marami ng mga kababayan natin ang mga nanonood doon. Dinarayo rin sila ng mga taga-ibang lugar sa bansa at syempre ng mga foreign visitors.

Tulad noong nandoon kami, in full force ang Hong Kong Hairdressers Association na naghahagalpakan ng tawa at palakpak sa pabulosong show. Nandito ang grupo para sa isang Asian meet, at sa Club Mwah talaga sila nagpasyang maglibang.

Kami mang lahat ng guests ni Emmie hangang-hanga sa palabas ng Folle de Mwah. uperb ang Liza Minelli act ni Cris Nicolas, na siya palang Club Mwah president at isang mahusay na choreographer/performer. Siya ang mga likha ng halos lahat ng ala-Las Vegas/Club 54 numbers sa mga shows doon.

Nagustuhan ko rin ang production number ng pop classic ni Patti Page na How Much is That Dog in the Window?. kahit hindi kayo dog lover, tiyak tatawa kayo ng walang patumangga sa parteng ito ng show. Kasi it was embellished with comic twists at talaga namang kakaiba ang mga costumes!

Pati ang storya ng pagkabuo ng Club Mwah, tunay na maaring isapelikula o isalin sa teledramang Magpakailanman ni Mel Tiangco. Ang Club Mwah president mismo ang magkukwento at sa simula ay tipong Mga Anghel Na Walang Langit pa!

Kung nasiyahan sa palabas na tunay na world-class-dahillahat ng members ng cast ay mga professional artists at ang kanilang mga gowns and other costumes including the fabulous hairdressers, at very creative ang lahat ng kanilang mga kilos at galaw. Well kahit hindi ka sopistikadong tulad nila, masisiyahan ka rin at iilusyunin na maging sophisticated ladies like them.

Masisiyahan din sa elegant buffet na maaring ihain ng Club Mwah sa kahit anong special occasion. Dapat din bigyan ng medalya ang kanilang chef at kitchen staff.

Doon sa kanilang very spacious, elegant, yet very comfortable music room, nagkatuwaan pa kaming mag-videoke, habang hindi pa showtime. Buti na lang merong mga Cristina Aguillera at Britney Spears kaya't nakakanta ako.

It was really a well-spent evening in Club Mwah. Pero tila bitin pa ako. Gusto kong bumalik doon para makita ang kanilang susunod na show na Bedazzled. sa May 30 naman, tampok ang Diana Ross. Lahat ng klaseng Diana Ross mapapanood mag-perform. Ang mga manonood pwedeng-pwedeng mag-ayos Diana Ross din!

•  back to reviews index

Psychedelic Dance Floor
Groove yourself to the beat and dance all night long in the Club's Psychedelic dance floor. Multi-blinking lights bear rhythmically to the music energizing your senses and lifting your spirits. 
Fusion Design
At first glance, serious jetsetters would certainly agree that Club MWAH! is a cross between two iconic landmarks namely Studio 54 in New York and the opulent Caesar's Palace in Viva Las Vegas. 

powered by : SMIT
maverick2137@hotmail.com
+63-927-3685722