| World
Class Entertainment, handog ng Club Mwah! by
Dennis Adobas Mandaluyong
City - wala na talagang makakaawat sa Follies de Mwah performers ng Club Mwah
dahil ang naturang grupo is going international. Aba, habang pinanonood namin
ang kanilang recent presentation na "Bedazzled 6," ibinulong sa amin
ng PR personified na si Pocholo Malilin na paalis na pala ang grupo next month
papuntang Macau China para mag-perform ng ilang gabi sa underwater casino ni Stanley
Ho! Sosyaler di ba? 
Anyway,
halos gumulong kami sa imported fire-repellent carpet ng naturang venue sa kakatawa
sa spoof nila sa Miss Saigon at sa Loving You ni Minnie Ripperton. Napa-wow kami
sa glamorous world-class version ng Broadway hit musicals na Cell Block Tango,
La Cage Au Follies at All That Jazz. Off course, humanga kami sa ganda ng staging
ng Diamonds are Forever ni Shirley Bassey at ng Sakura Flower Festival ng Korea.
Credit it to Cris Nicolas na bukod sa siya ang presidente ay director-choreographer
pa rolled into one.
back to reviews index |