| Tita Glo, mahilig manood
ng sexy sa club Mandaluyong
City - "Tatlong beses nang nanonood ng shows namin dito si Gloria Romero,"
pagbabalita ni Pocholo Mallilin sa amin kamakailan sa Club Mwah na nakatirik sa
652 Boni Avenue. Ayon kay
Pocholo na administrative officer ng Club Mwah, gustong gusto ni Tita Glo ang
tatlong uri ng shows na ipinapalabas sa klab: "Follies de Mwah, Bedazzled,
Spectaculo." First anniversary
ng naturang klab sa September 14. "We will ahve a new concept of shows,"
pahayag ni Pocholo." Ang
Club Mwah ay nasa ilalim ng Dance Diva School of Arts, Inc. na pinangangasiwaan
ni Mallilin at ng kanyang partner for twenty years na si Cris Nicolas. Nagsimula
sila bilang isang promotions agency na nagpapadala ng mga telents sa Japab. "We
sent world-class performers at ang aming agency ay kinikilala sa industriya na
may kumpletong pasilidad ng pagsasanay." Sa
ngayon, ayon kay Poch, medyo matumal ang pagpapadala ng mga talents sa Japan dahil
binago na nito ang sistema ng pagtanggap ng talents. 
back to reviews index |