| Iniwan si Ricky dahil para
silang nasa loob ng posporo Ang
sabi ni Mallilin ay naglingkod muna siya kay Ricky Reyes sa chain of salons ng
beauty expert for five years bago silang magsama sa business si Cris. "Ako
ang alter ego ni Ricky Reyes noon," pagbibigay ni Pocholo ng impormasyon.
At bakit naman niya iniwan si Mother Ricky? "Gusto ko rin naman kasing lumago.
Masaya nga pero parang nasa loob ka ng posporo." Ang
lahat ng shows sa Club Mwah ay pinaguusapan pero ang pinaka-hit ay ang show na
lahat ng performers ay naging Diana Ross look-alike. "Lahat sila, mga one
hundred katao dito, nag-Diana Ross pero thirty five performers lang ang kumanta
sa stage," wike ni Poch. Number
one fan ni Diana Ross si Pocholo. Sa kanyang opisina, nakadisplay ang lahat ng
magagandang photos ng international singer. Pero ang pinakaespesyal na litrato
ay yung picture ni Ross na may personal autograph ng singer para kay Mallilin.
"Noong late nineteen eighties, nag-meet din kami ni Diana, watch din ako
ng kanyang concert sa Hong Kong at nang mag-concert siya dito sa Manila in 1995,
ako ang nasa harap niya," sabi ni Pocholo na kumikinang ang mga mata. May
koleksyon din ng litrato si Malillin tungkol kay Diana. Bigla akong nainggit kay
Pocholo dahil ang libro ko lang tungkol kay Diana ay ang "Call Her Miss Ross"
ni J. Randy Taraborrelli. At ang sa akin ay pocket book lang samantalang ang kay
Pocholo ay puro hard cover. 
back to reviews index |