|
Bedazzled
7 nasa Club Mwah!
Sanga-Sangandila:
Veronica Samio
Balak
sana ng magka-partner na Cris Nicolas (artistic
director) at Pocholo Malilin (administrative officer)
ng Club Mwah na tapusin na ang Bedazzled 6 nang
huling buwan ng 2006 at simulan ang Bedazzled
7 sa pagsisimula ng 2007. Pero, hindi nila ito
nagawa dahil kinapos sila ng panahon para matapos
lahat ang mga set na gagamitin sa bagong produksyon
na mga Broadway Hits pa rin pero, kung hindi binigyan
ng comic relief ay ginawa namang mas maganda pa
sa orihinal na bersyon sa Broadway.

Matapos
na ang Valentine's Day nang masimulan ang Bedazzled
7 na mapapanood tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado,
10:30 ng gabi sa Club Mwah na matatagpuan sa ikatlong
palapag ng The Venue Tower sa Boni Ave. sa Mandaluyong
City.
Sa
mga hindi pa nakapanood ng Bedazzled 6 o kaya
ay gusto pang ulitin ang panonood dito dahil talaga
namang bukod sa makulay ang sets at costumes ay
talaga namang napakaganda ng konsepto ng mga excerpts
ng Broadway, Moulin Rouge o Studio 54 na mga pagtatanghal,
ay palabas pa rin ito tuwing Miyerkules sa nasabing
lugar at sa kapareho ring oras.
Bukod
sa magagandang palabas, tumatanggap din ang Club
Mwah ng mga events tulad ng product launchings,
concerts, birthdays and anniversaries, at ilang
mga remote telecast ng mga anniversary presentation
ng ilang mga TV programs. Tumawag lamang sa telepono
5312953/5322826.
back to reviews index |