| Sanga-Sangandila
ni Veronica Samio Disyembre
pa nung huling manood ako ng palabas ng Club Mwah na nasa ikatlong palapag ng
The Venue Tower sa Boni Ave Mandaluyong City. Ang
laki-laki ng improvement, hindi ng lugar sapagkat dati na itong maganda, malinis
at mabang, kundi ng latest presentation nila ng Bedazzled 6. 
Bagaman
at may isa akong number na napanood na, I was told na by popular request ang di
nila pagtatanggal ng Cell Block Tango dance sequence na mula sa hit musical na
Chicago. Pero ang lahat ng ibang numbers ay bago. Yung
"Vogue" ni Madonna ay binigyan ng Thai flavor, complete with authentic
Thai costumes made of silk, accessories, lahat ay imported from Thailand. pati
na yung mga ginamit para gawin ang Bangkok Temple. Isang
makulay at magandang travelogue and Bedazzled 6, with African and Korean dances.
Sa tulad ko na madalas sa Club Mwah, wala akong nakitang recycled sets, props
at lalo na ng costumes. Ito ang sinisiguro ng mag-partner na Pocholo Malilin at
Cris Nicolas, ang napakagalang na artistic director. Nakita
kong nage-enjoy sa Club Mwah nang gabing iyon si Kuya Germs, kasama ang ilang
mga balikbayan na naghost sa kanyang one month stay sa US.
back to reviews index |