| Sayang
ang Club Mwah! ni Veronica Samio Nabisita
kong muli ang Club Mwah! nung Sabado ng gabi. Punong-puno ang lugar, pero gaya
ng paliwanag ng isa sa nagmamay-ari ng lugar na si Pocholo Malilin, tumatayong
administrator ng lugar, sa tatlong gabi na bukas ang club ni Cris Nicolas, partner
nya at artistic director ng Club Mwah!, ang ganun karaming crowd ay bibihira at
kung hindi yun magbabago, hindi niya malaman kung anong kahihinatnan ng kanilang
negosyo na magtatatlong taon pa lamang. Sayang
kung matitigil ang operasyon ng itinuturing kong pinakamagandang lugar sa Kamaynilaan
at nagpapalabas ng isang napakagandang panoorin na hindi mo ikahihiyang ipamalas
maski na sa mga balikbayan o kamag-anakan kaya. Katunayan, lahat ng nakapanood
na ng anim ng palabas ng Bedazzled na nagtatampok sa bantog at magaling na Follies
de Mwah ay walang masabi kundi papuri sa magaling na grupo at kay Chis na siya
ring choreographer ng show.
Hindi
lamang ang choreography ang maipagkakapuri ng Follies de Mwah kundi maging ang
kanilang costume na talaga namang ginagastusan nina Pocholo at Cris, ang napakagandang
set, stage design at magandang music. Ultimo mga wigs at accessories na gamit
ay talagang pasadya para sa show. I am doing my bit to help Pocholo and Cris for
them to maintain their peace and continue giving those fabulous shows. marami
rin silang mga nabibigyan ng trabaho, mga entertainers and employees who are all
praying na sana patuloy na tangkilikin ang kanilang lugar. Patapos
na ang Bedazzled 6. Hanggang ngayong buwan na lamang ito. last week of November
ay sisimulan na nila ang Bedazzled 7, na magtatampok sa isa na namang Las Vegas
inspired show at ang kanilang Christmas presentation.
Hindi
nahihiya si Pocholo na aminin na sa hirap ng panahon ngayon ay hindi nila tinitipid
ang kanilang palabas. Kahit siya mismo, spend time para makatulong sa beading
ng mga costumes at maski na sa paggawa ng mga earrings ng mga showgirls niya.
This is probably the reason kung bakit buhay pa sila at sunud sunud na naman ang
pagtanggap nila ng mga plaques of recognition and awards. Katatanggap lamang nila
ng Global Award of Excellence for Club Mwah and for Follies de Mwah. My
time pa kayo to catch Bedazzled 6. At kung anumang okasyon meron kayo, b-day,
anniversary, corporate show, product launching, conference, induction, fashion
show, concerts & play, just call 535-7943 / 5322826 / 5332959. Nasa Boni Ave.
ang Club Mwah, 3rd Floor Venue Tower.
back to reviews index |