Showbis Ngayon
December 23, 2006

Golden Gays sa Club Mwah!
ni Veronica Samio

Panonoorin ko lang sana ang holiday presentation ng Follies de Mwah, resident performers ng mala-Las Vegas/Studio 54 na club theater bar na matatagpuan sa Mandaluyong City pero isang party ang dinatnan ko sa nasabing lugar na hindi naman nagkait na isama ako sa kanilang pagdiriwang.

Ito ang Christmas party ng Bench who was raising funds for the victims of the typhoon Reming. Kasama rin nila sa selebrasyon ang ilang mga miyembro ng Golden Gays na sa isang resolusyon sa Lungsod ng Pasay ni Konsehal Justo Justo ay kinikilala sa nasabing lugar at binigyang kaparehong karapatan katulad ng mga non-gays.

Enjoy ang mga Golden Gays sa kanilang panonood ng napakagandang palabas na handog ng Club Mwah na sa kabila ng hirap ng buhay ngayon ay fully-booked pa rin sa mga private at corporate parties, katulad ng naging selebrasyon ng mga taga-Bench.

Kahit paulit-ulit ko yatang panoorin ang palabas ng Club Mwah ay hindi ako magsasawa dahil halos perfect na ng mga performers ang kanilang mga numbers at bukod sa mga bagong production numbers, bago rin ang mga costumes na lahat ay dumaraan sa masusing pagsubaybay ng mga may-ari na sina Pocholo Malilin at Cris Nicolas.

•  back to reviews index

Psychedelic Dance Floor
Groove yourself to the beat and dance all night long in the Club's Psychedelic dance floor. Multi-blinking lights bear rhythmically to the music energizing your senses and lifting your spirits. 
Fusion Design
At first glance, serious jetsetters would certainly agree that Club MWAH! is a cross between two iconic landmarks namely Studio 54 in New York and the opulent Caesar's Palace in Viva Las Vegas. 

powered by : SMIT
maverick2137@hotmail.com
+63-927-3685722