Showbis Ngayon
December 31, 2006

May countdown din sa Club Mwah!

Huling linggo na ng Bedazzle show ng Club Mwah! Sa pagpasok ng year 2007 ay panibagong palabas na naman ang masasaksihan ng mga manonood at suki ng pinaka-eleganteng theater club sa pusod ng Mandaluyong City, ang Club Mwah! na minamaneho nina Pocholo Mallilin bilang administrative officer at Cris Nicolas, ang artistic director ng nasabing establishment na hindi lamang dinarayo dahilan sa kanilang Broadway inspired revues kundi dahilan na rin sa napakagandang ambience nito.

Nakaka-apat na concert na rito si Mastershowman German Moreno. At lahat SRO! Dito rin ginanap ang mga Christmas parties ng mga malalaking kumpanya, tulad ng Bench na aming nadaluhan at maging ang mga anniversay celebrations ng mga palabas ng GMA7. (Lagot Ka Isusumbong Kita at Bubble Gang).

Sa pagpasok ng 2007, meron na namang inihandang isang musical presentation ang Club na tatampukan ng mga world class performers na nag-train at nakapag-perform na sa maraming lugar sa mundo. Ito ang Follies de Mwah na di padadaig sa mga nagpi-perform sa Las Vegas at Broadway.

Ang Club Mwah! ay may'rong palabas tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado, 10PM onwards.

•  back to reviews index

Psychedelic Dance Floor
Groove yourself to the beat and dance all night long in the Club's Psychedelic dance floor. Multi-blinking lights bear rhythmically to the music energizing your senses and lifting your spirits. 
Fusion Design
At first glance, serious jetsetters would certainly agree that Club MWAH! is a cross between two iconic landmarks namely Studio 54 in New York and the opulent Caesar's Palace in Viva Las Vegas. 

powered by : SMIT
maverick2137@hotmail.com
+63-927-3685722